DA, nangangamba sa posibleng kakulangan sa supply ng pork sa mga susunod na buwan

by Radyo La Verdad | October 11, 2023 (Wednesday) | 2508

METRO MANILA – Nakita ng Department of Agriculture (DA) ang posibleng kakulangan sa supply ng baboy sa mga susunod na buwan.

Sobra pa para sa 10 araw na konsumo ng bansa ang supply ng baboy sa ngayon base sa datos ng Department of Agriculture (DA) pero kung aasa lang sa lokal na produksyon ay posibleng magkulang ito sa Disyembre.

Ayon sa Kagawaran, apektado parin ng African Swine Fever (ASF) ang produksyon ng baboy sa bansa pero nasa 20 lalawigan na lamang ang apektado kasama na ang bagong kaso sa Oriental Mindoro.

Kasama sa tinitingnan ngayon ng ahensya ay ang pag-aangkat ng produkto at pinag-aaralan narin kung dapat bang maglagay ng Suggested Retail Price (SRP).

Inaalam din ng DA ngayon kung bakit mataas ang presyo ng baboy sa mga pamilihan.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: