DA, namahagi ng alagaing baboy sa mga lugar na wala ng ASF

by Erika Endraca | October 7, 2021 (Thursday) | 4168

Namahagi ang Department of Agriculture (DA) nitong Martes (October 5) ng 4,803 na baboy sa mga magasaka sa mga rehiyon na wala ng African Swine Fever (ASF).

Ito ay upang masubaybayan at malaman kung mayroon bang isang nakakahawang sakit sa mga baboy tulad ng ASF sa lugar na sakop ng “Hog Repopulation Program”.

1,306 na magsasaka ang tumanggap ng mga baboy sa pamamagitan ng mga Regional Field Office,kung saan ang mga lugar ay cleared sa ASF.

“I know how hard for all of us that our host of interventions, our whole-of-nation approach, are repaid with unkind opinions and quick conclusions. Yet, we still try our best not to remain in this holding pattern. Not to be paralyzed by this virus,” ani DA Sec. William Dar.

Ayon kay DA Sec. William Dar sanib pwersa ang DA at ang mga Local Government Unit (LGU) sa mahigpit na pagmomonitor, pagpapatupad ng surveillance protocol at pananaliksik laban sa ASF, gaya nang pagbuo ng mabilis na mga test kit at field-test na mga bakuna.

Samantala, Mula pa noong 2019 nang kumpirmahin ang unang kaso ng ASF sa bansa. Nagsasanay na ang ahensya ng mga libu-libong beterinaryo, mga village biosecurity officer, at mga technical personnel sa bansa.

(Marc Aubrey Gaad | La Verdad Correspondent)

Tags: