DA nakapagtala ng mataas na ani sa unang kwarter ng 2021

by Erika Endraca | May 18, 2021 (Tuesday) | 5606
Photo Courtesy: DA

Nakapagtala nang pinaka malaking pag-aani sa unang kwarter ng taon noong 2018 base sa muling pag babalik tanaw ng Department of Agriculture sa masaganang pag-aani ng palay.

“Malugod po naming ibinabalita na ang ating mga magsasaka ay naka pagani ng kabuohang 20.4 milyong tonela toneladang palay sa buong kwarter ngayong taon, nasa 8.6 porsyento ang itinaas kaysa sa nakarang taon, at nalagpasan ang pag-aani noong 2018,” ayon kay Agricultural Secretary William Dar.

“Itong tala ng pag-ani sa unang kwarter ay mas lalong pinalaks ang ating mga kalooban na matassan pa ang 20.4 milyong tonela toneladang palay na dapat nating matarget ngayon taon kahit na may malakas na bagyo, iba pang mga natural na kalamida,” dagdag pa ng DA chief.

Sa kanyang parte, sinabi ni Director John de Leon ng DA’s Philippine Rice Research Institute (PhilRice) na ang paglago ng produksyon ay sanhi ng mga pagpapabuti sa parehong mga lugar nang pag-ani.

Sa lugar na inani ay tumaas ng 4.53%, habang ang ani ay lumago ng 3.87% sa parehong tatlong buwan noong nakaraang taon.

“Ang lugar na naani ng bigas ay lumawak mula 1.10 milyong ektarya hanggang 1.15 ektarya, habang ang bunga ay tumass mula 3.88 ektarya hanggang 4.03. Sa kabuang ani 54% ang ambag na nadagdag sa unang kwarter, habang ang bahagi ng ani ay 46%,” ayon kay de Leon sa kanyang ulat kay Secretary Dar.

Ang unang kwarter ng paglago ng palay ay naobserbahan sa parehong mga lugar na may irigasyon at may rainfed, dagdag pa niya.

Sabi ni De leon na ang paglago sa lugar ng pag-aani ay maaring maiugnay sa mataas na normal na pag-ulan sanhi nang bagyo sa huling kwarter ng taon.

Sa kabilang banda, sinabi ni DA chief na mas lalong inaasaahan nila ang maayos na presyo ng bigas ngayong taon , sa kabila ng hamon ng COVID-19, at nagpapasalamat sila sa napakalaking pondo na inilalaan sa industriya sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), na umakma sa DA banner na inbred at hybrid rice program, at rice resiliency project.

( Zy Cabiles | La Verdad Correspondent)

Tags: ,