DA inilunsad ang Kabataang Agribiz Grant Assistance Program

by Radyo La Verdad | April 22, 2021 (Thursday) | 2405

METRO MANILA – Inilunsad ng Department of Argiculture (DA) ang “Kabataang Agribiz Grant Assistance Program” para sa mga kabataang Filipino na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal upang suportahan ang mga kabataang Filipino sa pagtatayo ng negosyo na nakatuon sa pagtatanim at pagaalaga ng mga hayop, pangingisda, pagsasaka, teknolohiyang pang-agrikultura at ng mga katulad nito.

Ang kabataang Agribiz ay nabuo sa pamamagitan ng patnubay ni Agriculture Secretry William Dar sa tulong ni Senator Imee Marcos, layunin niya na ang mga bagong henerasyon na mahikayat na makipagsapalaran sa agricultural development at food production.

Ang bagong kaisipan ng mga kabataang Filipino ay siguradong mapapanatili ang agrikultura, ayon sa kalihim. Dagdag pa nya na ang panibagong programa naghahangad na ibalik ang kabataan sa agrikultura, at makilahok sila sa mga aktibidadat proseso na may kinalaman sa pagsasaka at pangingisda.

“Ang mga kabataan ay mas pinipiling umalis sa kanilang mga probinsya upang humanap ng trabaho sa  syudad. Upang masolusyunan ang problemang ito, gumawa ang DA ng program para sa kabataang Pilipino upang makapagsimula sila ng kanilang agribusiness sa production, value-adding, innovation, at iba pa,” ani Agriculture Secretry William Dar.

Ang programa ay may kabuohang halaga na P 74-M  ito ay bukas para sa lahat ng mga kabataang Filipino na interesado sa edad na 18-30, para sa mga handa at handang makisali sa agrikultural at pangingisdang pangkabuhayan.

Nag-aaral man o out of school youth ang aplikante ay tatanggapin, subalit, para sa mga may karanasan na kaugnayan formal o non-formal training. Ang mga grupo at mga samahan ay hinikayat na sumali at makita nila ang qualifications na inihanda ng DA.

Ang mga Kwalipikadong aplikante ay kailangang magpadala ng kanilang Business Model Canvas (BMC) na may kasamang potential profit sa Agribusiness at Marketing Assistance ng DA Central Office at ng Agribusiness at Marketing Assistance Division nasa regional offices.

Samantala matibay na supporter at implementor ng mga ibat ibang proyeto sa departamento ng mga kabataan si Senator Marcos, binigyang diin niya na ang agrikultura ay tiyak na solusyon ng bansa para magkaroon ng ligtas, abot kaya at masustansyang pagkain.

(Zy Cabiles | La Verdad Correspondent)

Tags: