DA nag-alok ng zero interest loans para sa mga Meat Vendors’ sa Metro Manila

by Erika Endraca | February 9, 2021 (Tuesday) | 7458

METRO MANILA – Papahabain ng Department of Agriculture (DA) ang zero -interest loan bilang operating capital para sa market vendors associations sa pampublikong pamilihan sa Metro Manila bilang pagsuporta sa pagpapatupad ng price cap base sa Executive Order 124.

“Maari silang makabili ng katay na na baboy mula mismo sa may-ari nito at sa major agricultural commodities mula sa Farmers’ Coopratives and Association o (FCAs), at maibenta ito sa tamang presyo para sa mga mamimili sa Metro Manila” ayon kay Agriculture Secretary William Dar.

“Pasimulan namin itong market vendors’ finacing program sa pagitan ng institutionalize mutal partnership, at bumuo ng win-win sitwasyon na makikinabang ang mga producers, reteilers, at consumers” dagdag pa ni Agriculture Secretary William Dar.

Ang DA ay naghahanap ng paraan sa mahigpit na presyo ng baboy at sa mataas na presyo nito sa Metro Manila.

“Kami po ay nananawagan sa mga meat vendor. Ito po ang panahon na dapat tayo ay magtulong-tulo. Kami poy’ magpaparating, galing sa ibat ibang lugar, ng mga baboy na mas mura para itinda ninyo” ani Agriculture Secretary William Dar.

Sa ilalim ng market vendors’ financing program na pangangasiwaan ng DA’s Agricultural Credit and Policy Council (ACPC), at maaaring makapag avail hanggang P5M bilang working capital at zero interest at mababayaran ito sa loob ng 3 hanggang 5 taon.

Maaari rin nila itong ipambili ng farm at fishery products mula sa FCAs. Ang DA Agribussines at Marketing Assistance Service (AMAS) ay makatutulong sa mga grupo ng tindera at tindero ng peke na magkaroon ng kasunduan kasama ang FCAs.

Ang DA-ACPC sa pamamagitan ng Partner-Lending Conduits (PLC) na mayroong mga branches sa Metro Manila ay magbibigay ng loans sa organized groups ng market vendors.

Ipinahayag ni Director Jocelyn Badiola ng DA-ACPC na ang perspective city at Municipal Local Government Units (LGUs) sa Metro Manila na dapat matukoy at maipakilala sa MVA’s na maaring makasali sa financing program.

Samakatuwid, ang qualified MVAs ang magpapahiram sa kanilang vendor members.

(Zy Cabiles | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,