DA muling pag-aaralan ang paglalagay ng SRP sa sibuyas

by Radyo La Verdad | May 16, 2023 (Tuesday) | 7030

METRO MANILA – Aalamin ng Department of Agriculture (DA) kung saang kamay na dinadaanan ng sibuyas nagkakaroon ng pagtaas ng presyo.

Base sa impormasyong nakalap ng kagawaran, nasa P120/kl ang pinakamataas na presyo mula sa mga magsasaka.

Pero ngayon ay umaabot sa P200 ang kada kilo sa ilang palengke sa Metro Manila.

Mahigit sa doble ito kumpara sa presyo noong nakaraang taon sa parehong buwan.

Inialam narin ng kagawaran kung may nagko-control sa paglalabas ng supply ng sibuyas para mapanatili ang mataas na presyo nito.

Inirerekomenda din ng sinag ang pag-aangkat ng 7.500 metric tons ng puting sibuyas kung ibabatas sa produksyon noong nakaraang taon.

Pero dapat anilang pagtugmain muna ang aktuwal na imbentaryo para malaman kung gaano karami ang kailangang angkatin.

Ayon sa DA, titiyakin nilang nasa “timing” kung mag-aankat man ng sibuyas ang bansa para hindi na maulit ang krisis na nangyari noong nakaraang taon.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: , ,