Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 25 thousand zero interest free loan para sa mga magsasakang apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.
Ito ay sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) assistance program ng Department of Agriculture (DA) Region 5.
Ayon sa DA, nasa 50 milyong piso ang ipinagkaloob ng national government na pondo para maitulong sa mahigit siyam na libong magsasaka sa Albay.
Ang mga pagkakalooban ng pondo ay dadaan muna sa mga conduit bank at kooperatiba na aprubado ng DA kung saan ida-download ang pondo.
Buwan ng Abril ngayon taon mag-uumpisang mag-release ng pondo ang mga conduit bank at cooperative sa mga aplikante ng SURE assistance loan program.
Mananatili naman ang programang ito hanggat hindi na maipamahagi ang 50 milyong piso para sa nasabing programa.
( Allan Manansala / UNTV Correspondent )
Tags: Bulkang Mayon, cash loan assistance, DA