DA kasama ang iba pang grupo, nagtulong-tulong upang maiwasan, makontrol ang African Swine Flu

by Erika Endraca | January 12, 2021 (Tuesday) | 2378

Nagtulong tulong ang mga pribadong sektor, grupo ng mga beterinaryo at mga lokal na pamahalaan upang maiwasan at makontrol ang pagkalat ng African Swine Flu (ASF).

Nagsimulang maka apekto ang ASF sa libo-libong backyard hog raiser sa Luzon sa kalagitnaan ng 2019.

Malugod na tinanggap ni DA Secretary William Dar ang suporta ng Univet Nutrition and Animal Healthcare Company (UNAHCO) at Philippine College of Swine Practitioners (PCSP) upang maipatupad ang ‘Bantay ASF sa Barangay‘. Kasama rin sa itinataguyod ang programang pataasin ang populasyon ng mga baboy sa bansa.

Nagkaroon ng pagpupulong kahapon (January 11), ang Kagawaran ng Agrikultura kasama si UNAHCO President and COO Ricardo Alba at si PCSP Director Maximino Montenegro upang pag usapan ang pagpigil sa pagkalat ng ASF sa luzon at protektahan ang mga ‘green zones’ sa Visayas at Mindanao.

“Hindi magagawa ng Kagawaran ito nang mag-isa. Kailangan namin ng tulong ng lahat, partikular ang pribadong sektor, mga beterinaryo, hog raisers at mangangalakal, at ang pinakamahalaga sa mga lokal na punong ehekutibo at kanilang mga kawaning panteknikal,” pahayag ni ni DA Secretary Dar.

Popondohan din ng Kagawaran ang mass-production ng ASF test kits sa pamamagitan ng Central Luzon State University (CLSU) na ibabahagi sa mga kasosyong LGU, UNAHCO, PCSP, at hog raisers.

(Beth Pilares | La Verdad Correspondent)

Tags: ,