DA ipinagbawal ang pag-angkat ng poultry products mula sa California at Ohio

by Radyo La Verdad | January 18, 2024 (Thursday) | 5000

METRO MANILA – Nagtakda ng ban ang Department of Agriculture (DA) sa importasyon ng mga domesticated at ligaw na ibon, kabilang na ang mga poultry products mula sa estado ng California at Ohio sa Amerika.

Sa isang pahayag, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., na ang importation ban ay dahil sa mga outbreak ng Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) sa rehiyon.

Ayon sa kalihim, ang mabilis na pagkalat ng HPAI H5N1 strain sa Estados Unidos mula ng ma-detect ito ay nangailangan ng paghihigpit sa kalakalan.

Noong Nobyembre ng nakaraang taon,iniulat ng US veterinary services sa World Organization for Animal Health ang kaso ng H5N1 sa mga estado ng Californioa at Ohio.

Ipinagutos din ni Secretary Tiu-Laurel, na agad isuspinde ang proseso at pagsusuri ng aplikasyon, at paglalabas ng Sanitary Phytosanitary Import Clearance (SPSIC) ng kalakal.

Lahat ng shipments mula sa California at Ohio na nasa byahe na, loaded o natanggap na sa mga pantalan ng Pilipinas bago ang ban noong January 15 ay papayagan pa rin.

Tags: