DA, iniimbestigahan na ang kaso ng umano’y smuggled na gulay sa bansa

by Erika Endraca | September 29, 2021 (Wednesday) | 12689

METRO MANILA – Nababahala ngayon ang Department of Agriculture (DA) sa ulat ng mga umano’y iligal na pagpasok ng imported na gulay sa bansa na sinasabing kumakalat ngayon sa merkado.

Sa pamamagitan Bureau of Plant Industy na isa sa mga attached agency ng DA, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Customs (BOC) para imbestigahan ang umano’y mga puslit na gulay na nangagaling ng china.

“The BPI continues to work with bureau of customs na titignan itong mga smuggled vegetables. We are asking bpi to see through na itong mga smuggled products ay pwedeng makumpiska the shipments came from Subic and said vegetables came from China which was miss declared as other items. Smuggled yun hindi dumaan sa proseso.” ani DA Sec. William Dar.

Isa sa palengkeng tinututukan ngayon ng mga otoridad ang divisoria sa Maynila kung saan napaulat na may ilan umanong warehouse ang naglalabas ng smuggled na carrots na ibinabagsak sa mga palengke.

Nilinaw naman ni Secretary William Dar na frozen mixed at processed vegetables lang ang binibigyan ng Bureau of Plant Industry ng import clearance at hindi kabilang dito ang mga sariwang gulay.

“In terms of vegetables only issues permits on frozen and processed vegetables intended for embassies and hotels, dito sa public market dapat they have to go through bpi to get import clearance.” ani DA Sec. William Dar.

Sa ngayon, patuloy pa ang validation ng DA sa umano’y nasa likod ng smuggled vegetables at inihahanda na rin ng Inter-Agency Economic intellegence group ang mga kaso na posibleng isampa laban sa mga ito.

“Ang problema kung mis declare smuggled wala tayong idea kung ilang volume niyan, malaki kung everyday. Pinu-proseso na yung mga smuggled goods in terms of those who did this ay kakasuhan yan. Bina-validate pa ito at in due time we will give this out.” ani DA Sec. William Dar.

Samantala, nagbabala naman ang DA sa publiko na suriing mabuti ang binibiling mga gulay sa palengke. Ilan umano sa mga palatandaan ng imported na carrots, ay makinis at malinis ang packaging. Kakaiba ito kumpara sa local carrots na malupa o direktang inaani mula sa taniman ang pisikal na itsura.

Paliwanag ng DA, hindi dapat tangkilikin ang mga smuggled na gulay dahil hindi ito dumaan sa Food Safety Regulation. Nakatakda namang magsagawa ang DA ng pesticide residues evaluation ang da sa mga gulay sa merkado.

(Janice Ingente | UNTV News)

Tags: