DA, hinikayat ang mga high school fresh grads na mag-enroll sa farming-related courses.

by dennis | April 10, 2015 (Friday) | 3427

UNTVweb__PHOTOVILLE-International__image__070612__rice-farmer_rice

Ilang buwan bago ang pasukan, hinikayat ng Department of Agriculture ang mga fresh graduate na magenroll sa farming related courses.

Ayon kay Department of Agriculture secretary Proceso Alcala, sa ngayon ay tumaas ang bilang ng mga kabataang kumukuha ng kursong may kaugnayan sa pagsasaka.

Inihalimbawa nito ang Southern Luzon University kung saan nasa 280 percent ang itinaas ng enrollment sa agriculture related courses. Bumaba din umano ang average age ng mga mangingisda mula sa 57 years old ay nasa 47years old nalang ngayon, batay sa kanilang pagaaral.

Dadgdag pa ng D.A., batay naman sa Philippine Statistics Authority, nasa 43 years old naman ang average age ng mga magsasaka at mangingisda dito sa bansa.

Paliwanag ni Alcala, mas malaki ang magiging tulong sa sektor ng agrikultura kung mas madadagdagan pa ang mga estudyanteng nageenroll sa mga kursong may kinalaman sa pagsasaka.

Kaya naman umaasa ito na mas dadami pa ang magaapply sa mga naturang kurso lalo na ngayon ay dumarami na ang mga makabagong teknolohiya na makatutulong sa pagunlad ng agrikultura sa bansa.(Darlene Basingan/UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,