METRO MANILA – Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang temporary import ban ng mga produktong manok mula Ukraine matapos maitalang bird flu free ang nasabing bansa.
Idineklarang bird flue free ang Ukraine base sa isinumiteng ulat ng country’s veterinary authorities sa World Organization for Animal Health (OIE).
Matatandaang Enero 30, 2020 ng pansamantalang ipinagbawal ang pag-import ng poultry products sa nasabing bansa dahil sa outbreak ng highly pathogenic avian influenza (HPAI) o bird flue.
Nakasaad sa inilabas na Memorandum Order No. 47 na pinirmahan ni Agriculture Secretary William D. Dar ang pagbibigay awtorisasyon sa pag-aangkat ng mga produkto sa nasabing bansa.
“Based on the evaluation of the Department of Agriculture, the risk of contamination from importing poultry meat, day old chicks, eggs and semen is negligible”ani DA Sec. William Dar.
(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)