DA at GCash partnership for cashless payments, pirmado na

by Erika Endraca | August 25, 2021 (Wednesday) | 6221

METRO MANILA – Magiging maalwan na sa mga magsasaka ang pagsasagawa ng trasaksyon sa Department of Agriculture (DA).

Ito ay matapos ang matagumpay na signing of contract ng DA sa mobile wallet app na GCash.

Layunin ng kasunduan na mabigyan ng mas maalwan at ligtas na payment transaction ang mga
magsasaka sa pamamagitan ng digital payment.

Ilan sa cashless payment collections ng kontrata ay ang sanitary and phytosanitary (SPS) permits at laboratory fees.

Sa kasalukuyan ay mayroong 40 million registered users o 40% ng Filipino population ang mayroong Gcash account.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: ,