DA at DTI, inatasan ni PBBM na bantayang mabuti ang presyo ng bigas sa merkado

by Radyo La Verdad | August 18, 2023 (Friday) | 1380

METRO MANILA – Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) na i-monitor ang presyo ng bigas sa iba’t ibang palengke sa bansa.

Ayon sa Presidential Communications Office, muling tiniyak ng pangulo na sapat ang suplay ng bigas, pero iba-iba aniya ang presyo nito sa merkado.

Kaya nakikipag-ugnayan ang gobyerno sa pribadong sektor  na gawing makatuwiran ang mga presyo at gawing abot kaya ang bigas sa merkado at sa Kadiwa stores.

Ayon pa sa Malakanyang, hahabulin ni Pangulong Marcos ang mga hoarder at nagmamanipula ng presyo ng bigas na sinasamantala ang lean months bago mag-harvest season.

Sa ulat ng DA, may mga retailer na nagtitinda ng pinakamurang bigas mula P38-P40 kada kilo at meron naman na P50 ang kanilang pinakamurang bigas.

Tags: ,