Magpupulong ngayong araw ang mga opsiyal ng Department of Agriculture (DA) at dalawampung governor mula sa mga probinsyang sinalanta ng Bagyong Ompong.
Layon nito na mapag-usapan ang gagawing rehabilitation plan upang mapabilis ang pagsasa-ayos sa mga nasirang palaisdaan at mga pasilidad na ginagamit sa sektor ng agrikultura.
Sa facebook post ni Agriculture Secretary Manny Piñol, sinabi ng kalihim na kabilang sa kanyang aalamin ang actual damage report sa mga lalawigan.
Gayundin ang projection sa food requirement partikular na sa bigas, upang matukoy ng National Food Authority (NFA) ang ihahandang suplay ng NFA rice hanggang sa susunod na anihan.
Bukod sa DA, kasama rin sa mga ahensyang babalangkas ng Ompong rehab plan ang National Food Authority (NFA), Philippine Crop Insurance Corporation, Agricultural Credit Policy Council at National Irrigation Administration.