D.A Sec. Alcala iimbestigahan ng Ombudsman kaugnay ng garlic cartel

by Radyo La Verdad | June 16, 2016 (Thursday) | 864

BAWANG-01
Iimbestigahan ng Office of the Ombudsman kung nakalabag sa Anti Graft and Corrupt Practices Act si Agriculture Secretary Proceso Alcala kaugnay ng garlic cartel noong 2014.

Nasasaad sa transmittal letter ng NBI na nagkaroon ng monopolya sa merkado dahil iisang kumpanya lamang ang nakapag-didikta ng presyo ng bawang sa mga pamilihan.

Matatandaang tanging ang Vegetable Importers, Exporters and Vendors Association of the Philippines o VIEVA Incorporatedlang ang nabigyan ng permit upang makapag-angkat ng bawang.

Bagaman hindi kasama sa inireklamo ng NBI si Alcala, lumabas sa sariling imbestigasyon ng field office investigation ng Ombudsman na may pananagutan rin ang kalihim dahil maydirektang superbisyon ito sa Bureau of Plant Industry na siyang nagbigay ng import permit sa VIEVA.

(UNTV RADIO)

Tags: