Cyber security hotline ng COMELEC, bubuksan na sa publiko

by Radyo La Verdad | August 22, 2016 (Monday) | 1391

COMELEC
Ilulunsad ngayong araw ng Commission on Elections ang cyber security hotline nito sa ilalim ng vote care center.

Layon nitong bigyan ng assistance ang mga botanteng naapektuhan ng massive data breach nang ma-hack ang COMELEC website noong Abril upang matiyak ang kanilang online security.

Maaring tumawag ang mga botante sa numerong 525-93-01 mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon tuwing Lunes hanggang Sabado.

Kailangan lamang ibigay ng caller ang pangalan, birthdate, address, contact number at email address.

Maari namang i-report ang posibleng kaso ng online security breach at identity theft sa votecarecenter@gmail.com

Para sa iba pang impormasyon bumisita lamang sa cyber security page ng COMELEC sa www.comelec.gov.ph

(UNTV RADIO)

Tags: ,