Cyber Security dapat na palakasin laban sa mga cyber attacks- PNP-ACG

by Radyo La Verdad | February 6, 2024 (Tuesday) | 2449

METRO MANILA – Makikipag-ugnayan na ang Philippine National Police- Anti Cybercrime Group sa Department of Information and Communications Technology (DICT) kaugnay sa sinasabing pagtatangka ng isang telecommunication company mula sa China na i-hack ang ilang government website sa bansa.

Ayon kay PNP-ACG Director Police Major Gen. Sydney Hernia, magsasagawa sila ng imbestigasyon ukol sa naturang impormasyon.

Kaugnay nito sinabi din ni Gen. Hernia na kailangang palakasin ang cybersecurity ng bansa dahil hindi naiiwasan ang mga attempted cyber attacks.

Noong weekend, sinabi ng DICT na galing umano sa state-owned telecommunications company ng China ang mga nagtangkang mang hack sa mga government website at email address sa Pilipinas.

Tags: , ,