Cyber attack sa website ng House of Representatives, pinaghihinalaang inside job

by Radyo La Verdad | November 10, 2023 (Friday) | 1372

METRO MANILA – Pinaghihinalaang inside job ang nangyaring cyber attack sa website ng House of Representatives noong Oktubre ayon kay House Secretary General Reginald Velasco.

Isa sa mga administrator umano ng website ng kamara ang na-hack ang email o ginagamit na cellphone.

Bunsod nito, na-deface ang website ng kamara subalit wala namang nakuhang sensitive data.

Bilang bahagi naman ng paghihigpit sa seguridad, nagpatupad na ng computer shutdown policy sa mga kawani ng kamara pagkatapos ng office hours at tuwing weekends.

Samantala, bumuo na ng cyber security committee ang house of representatives upang palakasin ang depensa nito laban sa cyber security threats.

Tags: ,