Customs Official Larrybert Hilario, itinangging sya ang tumulong para maipuslit ang 600 kg shabu sa BOC

by Radyo La Verdad | August 3, 2017 (Thursday) | 2195

Itinanggi ni dating BOC Risk Management Office Acting Chief Larrybert Hilario ang paratang sa kanya ni BOC Commissioner Nicanor Faeldon.

Kaugnay ito ng umano’y pakikialam nya ang computer system ng ahensya kaya napunta sa green lane ang EMT Trading at nakalusot ang shipment na naglalaman ng mahigit 600 kilo ng shabu mula sa  China.

Anya sya pa umano ang unang nagsabi sa mga opisyal ng BOC na i-alert ang tatlong consignees, kabilang ang EMT Trading, dahil sa kaduda-duda ang mga kargamento.

Ngunit  hindi umano siya pinakinggan.

Sagot naman ni Import Assessment Service Dir. Atty Milo Maestrecampo nasa kapangyarihan ni Hilario ang magrekomenda ng alerto ng mga panahong iyon subalit ipinasa parin nito sa kanya ang trabaho.

Ang EMT Trading na pagmamayari ni Eirene Mae Tatad ay na-accredit lamang sa BOC noong March 3, 2017 at agad nailagay sa green lane sa BOC.

 

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,