Customs Commissioner Nicanor Faeldon, nanindigang ‘di magpapadala sa mga nang- iimpluwensya sa BOC

by Radyo La Verdad | August 3, 2017 (Thursday) | 1848

Ang isang magiting na sundalo na may pinaka-mataas na ranggo sa commander-in-chief lang nakikinig ng mando.

Ganito ang tila nais ipahiwatig ng dating marines na si Customs Chief Nicanor Faeldon

Dismayado rin siya dahil sa panghihimasok umano ng mga pulitiko sa promotion at assignment ng mga empleyado ng Bureau of Customs.

Panawagan ni Capt. Faeldon sa Kongreso na gumawa ng batas na nagbabawal sa mga opisyal ng pamahalaan na makiaalam sa pamamahala sa pagrerekomenda sa mga tauhan ng kawanihan ng Adwana sa bansa.

Hindi pinangalanan ni Faeldon ang mga nasabing pulitiko dahil ayaw niyang mapahiya pa sa madla ang mga ito.

Apela niya sa mga ito, tigilan na ang pagla-lobby sa kanilang mga tauhan dahil wala umano itong nagagawang mabuti sa bansa.

 

(Jun Soriao / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,