PASAY CITY, MANILA – Mas pinaigting na pagpapatupad ng curfew hours ang ginawa ng Pasay City Police bilang parte ng basic health protocols kontra COVID-19 sa nasabing lugar.
Sa loob lamang ng 3 araw, nakahuli ng 448 curfew violators ang mga pulis sa lungsod, at ang mga dahilan ng ito ay may binili lamang o hindi nila alam na may bagong curfew ayon sa isang report ni Col. Cesar Panday-os.
Ayon kay Pasay City Mayor Emi-Calixto Rubiano, kailangan ang mahigpit na pagpapatupad sa curfew hours upang mabawasan ang posibilidad ng pagtaas ng kaso sa lugar. Idinagdag din nito na ito ang “best time” para makipag-cooperate ang lahat at gawin ang kani-kanilang parte para sa benepisyo ng lahat.
Nakiusap din ang mayor na sumunod na lamang ang mga kababayan nito upang mapigilan ang pagkalat ng sakit na “matagal ng nagpapahirap sa atin”. Marami parin ang lumalabas sa bahay para lang gumala kahit walang importanteng dahilan o lakarin at nagpapalusot na lamang ayon kay Panday-os.
May kaaibat na bayarin ang mga violators na kailangan bayaran sa loob ng 24 na oras upang wag makulong. Para hindi mahuli, nagpaalala si Panday-os na sumunod na lamang sa curfew, at sundin din ang health protocols, tulad ng pagsuot ng face mask at shield, pati na din ang social distancing.
(Jacobsen Aquino | La Verdad Correspondent)
Tags: curfew hours, Pasay city