MANILA, Philippines – Ipinagutos na ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na paigtingin ang pagpapatupad ng curfew hours sa mga menor de edad sa lungsod simula Kagabi (September 2).
Sa Ordinance Number 8547 na nilagdaan noong 2018,bawal na sa mga lansangan ang mga menor de edad simula 10pm hanggang 4am ng madaling araw.
Samantala ang mga magulang ng mga mahuhuling menor de edad ay pagmumultahin alinsunod sa Ordinance Number 8243.
P2,000 o pagkakakulong ng 1 buwan ang kahaharapin ng mga magulang ng mga madadakip na bata edad 15 hanggang 17 taong gulang.
P3,000 naman o hanggang 3-buwang pagkakakulong sa mga menor de edad, 13 hanggang 14 na taong gulang.
P5,000 naman o hanggang 6 na buwang pagkakulong kung ang mahuhuling bata ay edad 12 taong gulang pababa.
(Harlene Delgado | UNTV News)
Tags: curfew hours, Maynila, menor de edad