Culling operation sa San Luis, Pampanga, natapos na

by Radyo La Verdad | August 22, 2017 (Tuesday) | 2630

Tapos na ang culling operation ng Department of Agriculture at Department of Health sa pitong malalaking farm sa San Luis, Pampanga na nasa loob ng 1 kilometer quarantine radius.

Sa initial report ng Bureau of Animal Industry at ng lokal na pamahalaan ng San Luis, umabot sa tatlong daang libo ang mga pinatay na manok, bibe at pugo habang 51,000 na mga itlog ang naibaon sa ground zero.

Ayon sa DA, tumagal ng pitong araw ang pagpatay sa mga ibon at manok na apektado ng Avian flu virus dahil na rin sa kakulangan ng mga tao. Sisimulan naman ngayong araw ng DA at ng DOH ang pagdidisinfect sa mga farm na tinatayang tatagal ng dalawampu’t isang araw.

Pagkatapos ng pagdidisinfect ay maglalagay ang DA ng mga tinatawag na sentinel chicken o poultry upang matiyak na tuluyan nang napuksa ang virus sa lugar.

Sa ngayon ay nananatiling nasa ilalim ng state of calamity ang buong lalawigan ng Pampanga dahil sa Avian flu outbreak at hindi pa matiyak kung kailan ito aalisin.

 

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,