Culling operation sa mga poultry farm na apektado ng Avian flu sa Nueva Ecija, sinimulan na ng DA

by Radyo La Verdad | August 21, 2017 (Monday) | 4053

Tinatayang nasa walumpo’t syam na libong mga pugo na pagmamay ari ng nasa tatlumpo’t limang mga quial growers sa Barangay Imbunia sa bayan ng Jaen, Nueva Ecija ang sinimulan nang patayin  ng Department of Agriculture kahapon ng umaga. Ang mga ito ay apektado ng Avian flu virus sa probinsya.

Katuwang ng DA sa operasyon ang nasa limampung sundalo ng 7th Infantry Division ng Philippine Army. Ang Brgy. Imbunia, isa sa mga barangay sa dalawang bayan sa Nueva Ecija na nasa loob ng one kilometer radius na apektado ng virus. Kasama din dito ang Brgy. Malabon Kaingin, Barangay Rajal Centro at Sur sa bayan ng Sta. Rosa.

Tinatayang tatagal ng sampung araw  ang culling operation dahil sa lawak at dami poultry na kailangang patayin sa loob ng one kilometer radius protocol.

Bukod pa sa mahigit tatlumpung libong manok at pugo na nasa labas ng one kilometer radius na kusa nang ipinapapatay ng may-ari, upang hindi na kumalat pa ang virus.

 

(Danny Munar / UNTV Correspondent)

Tags: , ,