Culling o pagpatay sa mga manok at iba pang uri ng ibon sa bayan ng San Isidro, Nueva Ecija tapos na

by Radyo La Verdad | August 25, 2017 (Friday) | 2111

Natapos na kahapon ang culling operations sa mga alagang manok, pugo at itik sa bayan ng San Isidro, lalawigan ng Nueva Ecija. Ayon kay Municipal Agriculturist Rossana Calma, aabot sa mahigit pitumpung libo ang mga napatay na poultry.

Pagkatapos nito ay agad ding sinimulan ang pagdi-disinfect sa mga poultry farm na apektado ng Bird flu virus. Ito’y matapos mag-iwan ng masangsang na amoy ang mga pinatay na libu-libong mga manok, pato at pugo.

Bukod sa masangsang na amoy, kailangan ring masiguro na wala nang naiwang virus ang mga pinatay na manok.