Patung-patong na reklamo ang inihain ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II laban kay Senator Risa Hontiveros.
Kaugnay ito ng ginawang paglalabas ng senadora ng mga litrato ng palitan nila ng mensahe ni VACC Legal Counsel Jacinto Paras sa isa sa mga pagdinig ng Senado.
Nagtungo kahapon ang kalihim sa Pasay City Prosecutor’s Office upang sampahan ng reklamong paglabag sa Republic Act 4200 o Anti-Wiretapping Law ang lady senator.
Kasunod nito ay naghain din ni Sec. Aguirre ng ethics complaint sa Senado. Sa paghaharap ng dalawa kahapon sa Senate hearing, nagpahayag ng sentimyento si Aguirre sa nangyari.
Sa naturang kaso, may naging sabwatan umano sa isa sa mga media practitioner na kumuha umano ng litrato ng kaniyang text messages.
Ngunit ayon kay Sen. Hontiveros, hindi dapat gamitin ng kalihim ang pangyayaring ito upang ilihis ang tunay na isyu.
Ayon sa kalihim, ang piskalya at korte at hindi Ombudsman ang may jurisdiction sa kaso dahil wala namang kinalaman sa trabaho ni Hontiveros bilang Senadora ang nagawa nitong paglabag.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )
Tags: Criminal at ethics complaints, DOJ Sec. Vitaliano Aguirre, Sen. Risa Hontiveros