Criminal complaint, ipantatapat ni Sen. Lacson kay dating BOC Commissioner Faeldon

by Radyo La Verdad | September 19, 2017 (Tuesday) | 1905

Nais ni dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon na maglabas ng ebidensya si Senator Panfilo Lacson sa mga naging alegasyon nito laban sa kaniya. Partikular na ang umanoy pagtanggap nito ng 100 million peso welcome gift o tara.

Ito ang isa sa mga nilalaman ng 15-page ethics complaint na inihain ni Faeldon laban sa senador ngayong araw. Nakalakip din sa reklamo ang isang dokumento mula sa Cement Manufacturers Association of the Philippines o CEMAP. Nakasaad dito na kabilang ang kumpanyang Bonjourno Trading na pagmamayari ng anak ni Senator Lacson na si Pampi na umano’y may kwestyonableng freight rates sa cement importation. Ayon kay Faeldon, ito ang nais pagtakpan ng senador.

Ayon pa sa kampo ng dating BOC Chief, hindi rin maaaring magtago sa immunity ang senador sa mga naging alegasyon nito sa kaniyang privilege speech. Natagalan lamang aniya sa paghahanap ng mga ebidensya laban kay Faeldon.

 

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,