Crime rate sa bansa, bumaba ng 31% – PNP

by Radyo La Verdad | August 15, 2016 (Monday) | 1335

PNP
Nagkakaroon na ng positibong resulta ang maigting na kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga sa bansa.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, bumaba ng tatlumput isang porsyento ang crime index sa bansa.

Sa pinakahuling datos ng Philippine National Police mula sa mahigit seventeen thousand recorded crime incidents noong Hulyo noong nakaraang taon ay nasa labing isang libo na lamang ang naitala nitong hulyo ng kasalukuyang taon.

Kabilang sa mga karaniwang krimen na naitatala ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft at carnapping.

Tags: , ,