Crime incidents sa bansa bumaba ng 47% simula nang ipatupad ang community quarantine – JTF CV Shield

by Radyo La Verdad | September 19, 2020 (Saturday) | 5014

Nakapagtala ang pulisya ng 47% na pagbaba ng  bilang ng krimen o 8 focus crime sa loob ng anim na buwan simula ng ipatupad ang community quarantine noong March 16 hanggang September 15, 2020. Itoy kumpara sa naunang anim na buwan bago ipatupad ang community quarantine.

Base sa inilabas na pahayag ng JTF CV Shield, mula sa 31,661 na krimen na naitala noong Sept. 2019 to March 16, 2020, nasa 16,879 na lamang ito simula March 17 hanggang September 16 ngayong taon.

Sinabi ni LTGEN. Guillermo Eleazar na nangangahulugan na mayroon lamang 92 krimen na nangyari sa isang buwan ngayong umiiral ang community quarantine kumpara sa 172 cases araw araw bago ipatupad ang quarantine.

Bumaba din aniya ng 61%  ang bilang ng robbery at 60% sa theft, taliwas sa espekulasyon na tataas ang insidente ng nakawan dahil sa pagbagsak ng ekonomiya at hirap ng buhay.

Kaugnay nito sinabi ni eleazar na nagsasagawa sila ng pag aaral sa pagbaba ng krimen sa nakalipas na anim na buwan upang ipagpatuloy ang mga best practices ng pulis pagpapababa ng krimen sa bansa.

Ipinag utos din aniya ni PNP Chief PGEN. Camilo Cascolan ang tuloy-tuloy na pagsasagawa ng police visibility, beat patrol at pakikipag ugnayan sa mga barangay officials para sa ipinatutupad na peace and order measure.

Ang eight focus crime ay kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnapping ng motorsiklo at carnapping ng 4 wheel vehicle.

Lea Ylagan | UNTV News

Tags: , ,