Ramdam ng mas nakararaming Pilipino ang pagtaas ng presyo ng sari-saring mga bilihin. Ito ay batay sa resulta ng bagong survey ng Social Weather Stations (SWS).
Mula sa pang-almusal na kape at sardinas hanggang sa agricultural products tulad ng bigas, manok, baboy at marami pang iba ay umaaray sa presyo ang ating mga kababayan. Kaya naman para mag-swak sa budget, pagtitipid ang kailangan.
At dahil napapanahon, sari-saring witty tipid tips ang payo ng mga netizen. Tulad ng post na imbes na tsokolate, siomai na lang ang ibigay para budget-friendly.
Kung choco butternut donut naman ang trip mo ngunit walang pera, pwede na ring alternative ang kwek kwek.
Samantala, kahit kanin lang ang meron, mala-carinderia naman ang variety ng ulam ni Reginald dahil sa isang swipe lang, bago na ang kanyang ulam.
Kung marami namang kanin pero tipid sa ulam, amoy-amoy lang kada subo, solved na!
At pag may birthday, tiyak na masusurpresa ang celebrant sa tipid cake na kaning itinaob.
Samantala, ayon sa mga economic managers ng Pangulo, nakikita nila na huhupa rin ang mataas na presyo ng mga bilihin sa katapusan ng taon.
Ngunit habang mahal ang bilihin, payo ng Department of Trade and Industry (DTI) na maging matalinong mamimili para makatipid.
( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )
Tags: DTI, social media, tipid tips
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com