Crack sa frame na pinagkakabitan ng gulong ng tren, kinumpirma ng MRT

by Radyo La Verdad | September 1, 2016 (Thursday) | 1525

MON_KINUMPIRMA
Pinawi ng MRT management ang pangamba ng publiko hinggil sa natagpuang mga crack sa bogey ng mga tren ng MRT.

Kinumpirma ng MRT management na mayroon ngang mga crack na nakita sa mga bogey.

Ayon kay MRT General Manager Roman Buenafe, base sa record 2004 pa ng magkaroon ng insidente ng crack sa mga bogey.

Inamin ni Buenafe na ang dahilan ng crack ay ang pagkakamali sa design mismo ng tren ng MRT ang mga MRT train ay galing pa sa Czech Republic na binili noong panahon ni Pangulong Gloria Arroyo.

Subalit ayaw ng sisihin ng MRT management ang kompanya na gumawa sa mga tren lalo na at nagsara na ito dahil na bankrupt.

Sa ngayon ay inaayos na ng MRT ang crack sa mga bogey, winiwelding ito sa masusing paraan.

Ayon kay Buenafe, walang dapat ipagalala ang mga commuter dahil inaayos na nila ang problema.

Dagdag ng MRT management, wala silang plano na kontrolin ang bilang ng mga taong sumasakay sa kabila ng napaulat na may mga crack sa bogey frame.

Ibinalita naman ni Buenafe na tuloy-tuloy na ang pagdating ng spare parts para sa mga lumang tren ng MRT kung kaya’t maayos na rin ang operasyon ng mga ito.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: ,