Itinuturing na bilang teroristang grupo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army at National Democratic Front of the Philippines.
Ipinahayag ito ng pangulo nang bumisita kagabi sa Cagayan de Oro City upang kumustahin ang mga naulila ng tatlong sundalong tinambangan ng mga umano’y miyembro ng NPA noong Miyerkules.
Miyerkules nang paslangin ang tatlong tauhan ng militar sa Bukidnon, ang araw kung kailan inanunsyo ng NPA na tinatapos na nila ang kanilang idineklarang tigil-putukan sa pamahalaan.
Isa rin ito sa mga dahilan upang bawiin na rin ng pamahalaan ang pinairal nitong unilateral ceasefire declaration.
Kasunod nito ay ang pagpapatigil ng pangulo sa usapang pangkapayapaan.
Tags: CPP-NPA-NDF, itinuturing nang teroristang grupo ni Pangulong Duterte