CPP-NPA-NDF banner na nakapaskil sa North Avenue Edsa, umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa publiko

by Radyo La Verdad | December 18, 2017 (Monday) | 3816

Takaw-pansin ang banner na nakasabit sa overpass sa North Avenue, Edsa. Malalaking letra ang nakalathala na nagbabansag sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front bilang terorista.

May background din ito ng mga bungo na tila tumutukoy sa mga narecover na labi sa Inopacan, Leyte massacre kung saan hinihinalang dose-dosena ang pinatay dahil umano sa pagtatraydor sa mga kasamahan nilang CPP- NPA.

Iba-iba naman naging opinyon ng mga nakakita nito. Ang iba ay sang-ayon upang may kaalaman ang mga tao sa nagaganap sa kapaligiran, habang ang iba naman ay nangangamba na baka ito ay maka-apekto sa mga turistang dumadayo sa bansa at iba pa.

Itinanggi naman ng Quezon City Hall Administrator na binigyan nila ng permiso o may impormasyon sila sa kung sino ang nagpaskil sa naturang banner.

Wala ring ideya ang Metropolitan Manila Development Authority kung sino ang nagsabit nito sa overpass at iniatas na rin ang pagpapatanggal nito.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,