CPP-NDF, ayaw nang makipag-usap kapayapaan sa Duterte administration

by Radyo La Verdad | June 29, 2018 (Friday) | 3570

Biglaan ang ginawang pag-aanunsyo ni Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria Sison na ayaw na nilang magkaroon ng peace talks sa Philippine Government.

Sa isang pahayag, sinabi ni Sison na hangga’t si Duterte ang Pangulo ng Pilipinas, hindi sila makikipag-usap hinggil sa kapayapaan.

Dagdag pa nito, mas madali at mas produktibo pa aniyang makibahagi na lang sa pagpapabagsak ng administrasyong Duterte.

Paghahandaan na lang nila aniya ang peace talks kung iba na ang nakaluklok na Pangulo ng Pilipinas.

‘Di naman nagpasindak si Pangulong Duterte sa bantang ito ng makakaliwang grupo. Hindi naman naniniwala si Pangulong Duterte na may kakayahan ang grupo ni Sison na pabagsakin ang kaniyang administrasyon.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagsasalita si Sison na tila tunay na terorista.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,