COVID-91 cases sa Pilipinas, lumagpas na sa 67,000

by Erika Endraca | July 20, 2020 (Monday) | 1871

METRO MANILA – Nadagdagan pa ng 2,241 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa datos ng Department Of Health (DOH) kahapon (July 19), umabot na sa 67, 456 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa

Sa nasabing bilang, 43, 160 ang aktibong kaso at mayorya rito ay mula sa Metro Manila. 

Nadagdagan naman ng 58 ang nasawi, 25 sa death cases ay mula sa buwan ng July at 33 sa buwan ng June.

Dahil dito, umakyat na sa 1,831 ang COVID-19 deaths sa bansa.

89 duplicates naman ang naalis na mula sa kabuoang dahil sa patuloy na validation ng DOH.

Nadagdagan naman ng 398 ang gumaling sa sakit kaya ngayon ay 22,465 na ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Samantala, nagbabala naman ang Food and Drug Administration (FDA) sa paggamit ng face mask na may exhalation valves. 

Ayon sa FDA, hindi nila ito inirerekomendang gamitin dahil hindi ito ginagamit for “medical purposes” kundi para sa industrial purposes lang.

Karamihan umano sa gumagamit nito ay mga nagkakarpintero, mga nasa construction upang ma-proteksyunan sila laban sa alikabok 

“One way” protection lang din aniya ang maibibigay nito para sa mismong nagsusuot lang

Mas maigi pa aniyang gamitin ang cloth masks kung saan may “two way” protection para sa nagsusuot at sa mga taong malapit o nakakasalamuha ng may suot nito

Dagdag pa ng fda, mabuti rin kung ang gagamitin ay medical o surgical mask laban sa mga sakit .

At kung ikaw naman ay nagta-trabaho sa isang ospital, mas maigi pa umano ang mga regular mask na walang exhalation valves.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: