Pinakamataas na COVID-19 cases na umabot sa mahigit 1,000 sa loob ng 1 araw, naitala kahapon ng DOH

by Erika Endraca | June 15, 2020 (Monday) | 3540

METRO MANILA – 1, 150 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 kahapon (June 23) sa bansa.

Ito na ang maituturing na highest single- day rise simula nang may maitalang Coronavirus Disease 2019 cases sa Pilipinas noong Enero

Nahigitan nito ang naitalang 1,046 na confirmed cases noong May 29

As of june 23, 2020, pumalo na sa 31, 825 ang total confirmed cases sa bansa.

Kapag pinagsama ang fresh at late cases mas madami pa rin ang naitalang kaso sa Central Visayas na umabot na sa 320; 317 sa National Capital Region (NCR) at 513 naman sa iba’t ibang rehiyon.

8,442 na ang COVID-19 survivors sa bansa samantalang 1, 186 na ang nasawi sa COVID-19.

Kaugnay naman ng patuloy na pagdami ng kaso sa Central Visayas, ayon kay DOH Spokesperson Usec Maria Rosario Vergeire, okupado na ng mahigit 50% ang hospital beds utilization rate at ICU beds , mahigit 30% naman ang gamit na sa mechanical ventilators sa Cebu City as of June 21

“In Cebu as of June 21, when we analyze the data, while only 13 percent of the 19,718 dedicated community isolation beds are occupied, 58 percent of the 1,533 hospital beds are occupied.” ani DOH Spokesperson Usec Maria Rosario Vergeire.

Doon sa temporay treatment and monitoring facilities nila, 13% lang ang occupancy rate pero doon sa kanilang hospital doon sa isolation beds nila, 58% ang occupied. Ang kanilang ICU beds 56 percent ang occupied, ang kanilang mechanical ventilators ,37 percent ang ginagamit.

Dahil dito, nasa “warning zone” na ang Cebu City ngayon, kapag pumalo na sa 80% ang nagamit sa mga critical care facilities ng cebu ay saka ito malalagay sa critical level.

“Hindi sila nasa critical level kasi ang critical level is 70 percent and up. But they are in the warning zone already kaya sila napunta sa ecq nung huli, diba. Because there critical care utilization is already in that warning zone and we have to make sure na talagang hindi mao-overwhelm ang sistema kaya nagdesisyon ang IATF noon na dapat mag ECQ ang Cebu City.”  ani DOH Spokesperson Usec Maria Rosario Vergeire.

Noong nakaraang linggo, nagpadala na ang DOH ng team sa rehiyon upang i- monitor kung bakit patuloy ang pagdami ng COVID-19 cases sa Central Visayas .

( Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,