METRO MANILA – Wala pang matibay na ebidensya na 100% ang bisa ng COVID-19 vaccines laban sa COVID-19 at mga variants nito
Gayunpaman, batay sa datos na hawak ng Food and Drug Administration(FDA), kakaunti na lang ang nahahawa muli ng sakit pagkatapos makatanggap ng first at second dose ng bakuna laban sa COVID-19,
Gaya halimbawa ng Sinovac na sa mahigit 1.6 Million na fully vaccinated na ay 27 lang sa kanila ang nahawa pa rin ng COVID-19
Habang sa 3.7 Million na nakatanggap ng kanilang first dose ng Sinovac, 173 sa mga ito ang nahawa pa rin sa sakit.
Ayon sa FDA ito ay dahil hindi pa sila nakakakumpleto ng kanilang COVID-19 shot.
Nakapagtala naman ng 11 na nasawi dahil nakaranas ng severe symptoms ng sakit .
Sinabi pa ng FDA, bagamat totoong nababawasan ang bisa ng COVID-19 vaccines laban sa mga COVID-19 variants lalo na ng Delta variant, makatutulong pa rin ang pagkakaroon ng bakuna upang makaiwas sa malalang kondisyong dulot sakit.
“Kung tatanungin ako kung nagpe- prevent po ba ng COVID-19 infection ang mga bakuna ang tigin ko po talaga ay nagpi- prevent dahil bagama’t hindi po ito vaccine efficacy study na ginagawa pa po kasi ng DOST iyan pero from our observations,we seem to be preventing a lot of infections sa mga vaccinated people and kailangan po talaga at importante tlaga na ma- complete ang 2 dose” ani FDA Director general, Usec Eric Domingo.
Samantala, naghihintay ang FDA ng isusumiteng update ng Sinovac biotech sa Pilipinas upang ma- amyendahan ang kanilang EUA para magamit naman sa mga batang Pilipino edad 3-17 taong gulang
“Iyong sinovac meron nang na- publish the other day nung kanilang extension ng kanilang clinical trial phase 1 , phase 2 noong perdiatric age group pero hindi pa sila officially naga- aaply sa atin ng extension to the younger age groups” ani FDA Director General, Usec Eric Domingo.
Sa kabilang banda, wala pang kahit anong brand ng COVID-19 vaccine na ipinahintong gamitin sa Pilipinas dahil sa malalang epekto o side effects,gaya ng napaulat sa ibang mga bansa.
Ilan dito ay ang blood clotting sa Europa dahil umano sa AstraZeneca at heart inflammation o myocarditis na napaulat sa Amerika dahil umano sa Pfizer at Moderna COVID-19 vaccines.
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: COVID-19 Vaccine, FDA