Inaprubahan na noong nakaraang Linggo ang Philippine National Covid-19 vaccination roadmap and implemenation plan.
Kumpyansa si Vaccine Czar Sec Carlito Galvez Jr na magkakaroon na ng supply ng bakuna sa bansa sa second quarter ng susunod na taon. Bago naman matapos ang taong 2021 posibleng magkaroon na ng bulto ng suplay ng bakuna
“Ang best-case scenario po natin baka po sa mayo hanggang hulyo may available na po na mga vaccine through our covax, at saka mga bilateral arrangement po natin. But realistically speaking, baka po end of the year or 2022 darating ang main bulk ng vaccine kasi talagang nakita po natin meron po tayong kakulangan sa supply dahil ang mga mayayamang country ay kinuha na po yung karamihan po ng majority ng mga production.” ani NTF vs Covid-19 Chief Implementer Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr.
Binigyang diin ni Sec Galvez na may nakalaang pondo ang bansa para sa pagbili ng bakuna
P25-B ang nakalaan mula sa Bayanihan 2 na standby fund para sa Covid-19 response ng bansa.
Mangungutang din aniya ang pamahalaan sa Asian Development Bank at world bank para may pandagdag pambili ng bakuna.
“Aside from that, kung magkakaroon ng additional 8 billion, plus more or less $5-9 –B na pwedeng i-credit account sa atin napakalaki na po ng pondo na naka allocate kaya kumpiyansang kumpiyansa po ang ating mahal na presidente na meron na siyang pera at kukuha pa siya ng pera para sa vaccine.” ani ani NTF vs Covid-19 Chief Implementer Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr.
Prayoridad na mabigyan ng bakuna ang mga mahihirap na Pilipino, frontliners kabilang ang mga healthcare workers, mga kawani ng edukasyon, social workers at mga uniformed personnel gaya ng mga pulis at military.
Kasama rin sa plano ng pamahalaan na gawin ang pagbabakuna sa mga kampo ng pulis at military.
Samantala, isa rin sa tinitignang potensyal na bakuna na may magandang evaluation ngayon ay ang sa University of Oxford- Astrazeneca ng Australia.
May 17 vaccine companies pa na kausap ang mga eksperto para sa pagsasagawa ng clincal trial sa Pilipinas.
(Aiko Miguel | UNTV News)