COVID-19 vaccines para sa mga bata, gagawing available sa mga paaralan

by Radyo La Verdad | May 4, 2022 (Wednesday) | 8844

METRO MANILA – Higit sa kalahati ng mga public shool sa bansa ang nagbukas na para sa face-to face classes.

Kaya naman dadalhin na ng pamahalaan ang COVID-19 vaccines sa mga infirmary ng paaralan para sa mga batang edad 5-11.

Ito ang inilatag na plano ni DOH Sec Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi naman ni IATF Deputy Chief Implementer/Testing Czar Vince Dizon na may direktiba na mula kay IATF Chief Implementer at Vaccine Czar Sec. Carilito Galvez Jr. na gawing available ang COVID-19 vaccination sa mga eskwelahan.

Batay sa datos ng DOH, 2 million na mga batang Pilipino na ang nakatanggap ng COVID-19 vaccines

67.9 million o 75% naman ng populasyon ng bansa ang fully vaccinated na kontra COVID-19.

Samantala, ayon sa DOH naging matagumapay naman ang isinagawang Chikiting Bakunation Days noong April 28-29 kung saan nasa 88,000 ang mga batang nakatanggap na muli ng kanilang bakuna laban sa measles mumps rubella, polio at iba pang nakahahawang sakit.

Mayroon ding isasagawang nationwide bakunahan sa mga bata ngayong Mayo at Hunyo bukod sa regular vaccination days sa mga health center sa Pilipinas.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: