COVID-19 vaccines, epektibo pa rin vs Delta variant bagama’t iba- iba ang efficacy

by Erika Endraca | June 23, 2021 (Wednesday) | 1873

METRO MANILA – Batay sa ulat ng mga eksperto sa United Kingdom, nasa 90% ng kanilang kaso ay sanhi ng mas nakakahawa na Delta variant.

Sa ulat naman ni FDA Director General Eric Domingo, ang gamit na COVID-19 vaccine ng bansa United Kingdom ay ang Pfizer at Astrazeneca vaccines.

Lumabas aniya sa resulta ng kanilang pagbabakuna na epektibo ang mga ito kontra sa Delta variant bagaman magkaiba ang bisa o efficacy rate ng mga ito.

“So far the data for pfizer, shows that for the uk variant, for the Pfizer vaccine, mataas pa rin nareretain niya iyong mataas na efficacy rate niya of 93%, pagdating sa Delta variant, although bumababa ng kaunti mayroon pa ring 88% na effficacy against the Delta variant iyon naman pong Astrazeneca vaccine ang nakita nila na overall efficacy niya for the UK variant is about 66% and tiningnan po for Delta variant it’s about 60%. So nagagamit pa rin po talaga, may proteksyon pa rin na binibigay” ani FDA Director General, Usec Eric Domingo.

Dagdag pa ni DG Domingo, posibleng makaapekto sa bisa ng isang bakuna ang mga COVID-19 variants lalo ng Delta.

“Talaga pong ang mga vaccines na ginagamit natin ngayon were developed of course using the original COVID-19 virus at unti- unti nagkakaroon ng mutations  there is a decreasing efficacy as we get more mutation but hindi naman po nawawala ng completely ang bisa ng bakuna. It is still a useful vaccine.” ani FDA Director General, Usec Eric Domingo.


Bukod sa Pfizer at Astrazeneca COVID-19 vaccines, kasalukuyan pang pinag- aaralan ngayon ang efficacy rate ng iba pang COVID-19 vaccines kontra sa Delta variant.

Kabilang dito ang Janssen ng Johnson & Johnson, Moderna, Sinovac, Sinopharm at Sputnik V.

Iniulat din ni DG Domingo na may natanggap silang sulat mula sa Gamaleya research institue ng russia na humihiling na baguhin ang ilang detalye sa pagbabakuna gamit sputnik V.

“They have already written us to say that they might be amending the Emergency Use Authorization para habaan ang time interval between the 2 doses, parang very similar sa adenoviral vaccine natin na astrazeneca, which we give in 12 weeks” ani FDA Director General, Usec Eric Domingo.


Gusto rin aniya ng Gmaleya na gawing single dose na lang ang kanilang COVID-19 vaccines gaya ng sa Janssen ng Johnson& Johonson

Naghihintay pa ang FDA ng scientific data mula sa gamaleya upang suportahan ang nais nilang pagbabago.

“They are also thinking of registering the vaccine as single-dose vaccine similar to the Janssen vaccine na single dose na binibigay . and we are waiting for the data to support this kung acceptable siya” ani FDA Director General, Usec Eric Domingo.

Bago maipatupad ang mga nais ng Gmaleya, kailangang amyendahan ang kanilang EUA  dito sa Pilipinas.


Sa kasalukuyan, nasa 80,000 doses ang inisyal na natanggap ng Pilipinas mula sa Russia

Inaasahan naman ng bansa na makakatanggap pa ng maraming Sputnik V doses batay sa napagkasunduan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Russian President Vladimir Putin

Samantala, pinayuhan naman ni pangulong duterte si dg domingo na ituloy lang gampanan ang kaniyang trabaho sa kabila ng nga kritisismo .

“Gawin mo lang ang trabaho mo, do it right and to hell to the criticisms. Demokrasya tayo, they are entitled to that right so, ikaw naman you have to take it in stride. Pareho ka ring pulitiko, because we are performing public functions and our actuations are being served and other people maligaya, but you cannot please them all. So just do your duty, forget about.. We have trust in you, the Filipino people” ani Pres Rodrigo Duterte. ani Pangulong Rodrigo Duterte.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: