COVID-19 surge sa holidays, maiiwasan kung masusunod ang health protocols — DOH

by Radyo La Verdad | December 5, 2022 (Monday) | 5208

METRO MANILA – Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na sumunod sa minimum public health safety protocols laban sa COVID-19.

Ito ay sa gitna ng patuloy pa ring naitatalang kaso sa bansa kabilang na ang mga bagong COVID-19 variants.

Partikular na dito ang Omicron Subvariant na BQ.1 kung saan umabot na sa 16 ang kumpirmadong kaso sa Pilipinas.

Ayon kay DOH Oficer in Charge Maria Rosario Vergeire, mahalaga pa rin ang palagiang pag-iingat lalo pa ngayong holiday season kung saan karaniwan ang gatherings.

Kahapon (December 4) nakapagtala ang DOH ng 1,173 new COVID-19 cases sa Pilipinas.

Ngunit maaari aniyang dumoble o tumriple pa ang bilang na ito.

Ito ay kung patuloy ang pagbaba ng compliance ng publiko sa minimum public health standard.

Sa kabila ng naitatalang COVID-19 cases, binigyang-diin ng DOH na mahalaga ay mapanatiling mababa ang hospitalization rate na kasalukuyang nasa 16% lang.

(Asher Cadapan Jr. | UNTV News)

Tags: , ,