COVID-19 State of Calamity Extension, Depende sa rekomendasyon ng DOH

by Radyo La Verdad | August 12, 2022 (Friday) | 8073

METRO MANILA – Wala pang pasya si President Ferdinand Marcos Jr. kung  palalawigin ang umiiral na State of Calamity sa bansa bunsod ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, hihintayin muna ng Malacañang ang rekomendasyon ng Department of Health sa bagay na ito.

“It will depend on the recommendation of the DOH. But we will make the announcement when the time comes” ani Press Secretary Sec. Trixie Cruz-Angeles.

Nakatakdang magtapos ang COVID-19 state of calamity sa September 12, 2022.

Hiniling naman ni DOH Officer-In-Charge Doctor Maria Rosario Vergeire ang pag-eextend ng validity ng COVID-19 Vaccination Program Act.

Tags: , ,