Covid-19 recovery rate sa Pilipinas, umabot na sa 93.2% – DOH

by Erika Endraca | February 15, 2021 (Monday) | 4907

METRO MANILA – Umabot sa 10, 697 na ang naitalang Covid-19 recoveries sa Pilipinas .

Sa kabuoan, umabot na sa 511, 743 ang kabuoang Covid-19 survivors sa bansa.

Ibig sabihin nito ayon sa DOH, 93.2% na sa mga nagka- Covid-19 ang naka- recover na, kaya naman dapat mapanatili na hindi tumaas ang kaso .

Payo rin ng DOH sa publiko, sumunod pa rin sa health protocols lalo’t bubuksan na ang cinemas at ilang pang attractions sa bansa sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine.

“Huwag po tayong maging complacent kahit po binubuksan na ang ibang sector sa ating bansa para po sa ating ekonomiya, kailangan we have to comply with the minimum health standards. Kapag nagtuloy- tuloy po na tataas ang kaso babalik po tayo doon sa dati nating estado na nakasara lahat ng sektor natin at ayaw na nating bumalik doon. So let us cooperate, huwag po tayong pumunta sa matataong lugar and always do the minimum health protocols “ ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.

Samantala, sa isang pahayag, sinabi ng National Task Force Against Covid-19 na patuloy ang negosasyon ng Plipinas kaugnay ng supply agreement sa iba’t ibang vaccine manufacturer bukod sa Covax facility.

Ito ay dahil limitado ang supply ng bakuna sa buong mundo kaya naman hindi pa makapag- commit ng saktong delivery date ng mga Covid-19 vaccines sa mga bansa.

Tiniyak naman ni health Sec Fransisco Duque III na patuloy ang kanilang pakikipag- ugnayan sa mga manufacturer para sa mabisa at murang bakuna para sa mga Pilipino sa lalong madaling panahon.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,