COVID-19 positivity rate sa NCR, bumaba sa 8.9%

by Radyo La Verdad | November 7, 2022 (Monday) | 853

METRO MANILA – Bumaba sa 8.9% ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) as of November 2, 2022 ayon sa monitoring ng Octa Research Group.

Mula ito sa dating 10.7% noong October 26, at pinakamababa sa nakalipas na halos 4 na buwan o mula noong July 4.

As of October 31, 0.65 naman ang reproduction number,  o bilang ng nahahawa ng bawat isang COVID-19 patient.

Habang negative 35% ang one week growth rate.

Bumaba din sa 269 ang arawang kaso sa rehiyon as of November 3.

Katumbas ito ng Average Daily Attack Rate (ADAR) na 1.87 sa kada 100,000 populasyon.

Ayon sa Octa kapag nagpatuloy ang ganitong pababang-trend posibleng bumaba na sa less than 100 ang arawang kaso sa NCR sa katapusan ng Nobyembre.