COVID-19 positive travelers mula China, ‘di magiging sanhi ng COVID surge sa bansa                                                                     

by Radyo La Verdad | January 5, 2023 (Thursday) | 12094

Walong unvaccinted Filipinos na mula China noong holiday season ang nagpositibo sa Covid-19 nang dumating sa bansa noong December 27 hanggang January 2, 2023.

Naniniwala naman ang Infectious Diseases Expert na si Dr. Rontgene Solante na hindi ito magiging sanhi ng Covid-19 surge sa bansa. Sa kasalukuyan na rin kasing naka-isolate na ang mga ito ayon sa Bureau of Quarantine.

Sa kabila ng inaasahang pagtaas ng Covid-19 cases sa bansa sa mga susunod na araw dahil sa nakalipas na holidays.

Naniniwala ang Infectious Diseases Expert na si Dr. Rontgene Solante na hindi masyadong maaapektuhan ang Pilipinas ng nangyayaring Covid-19 outbreak sa China. Aniya, hindi gaanong tumaas ang Covid positivity rate at hospital utilization rate sa bansa.

Tiniyak naman ni Dr. Roberto Salvador Jr., Deputy Director ng Bureau of Quarantine, naka-isolate na ang mga biyaherong galing China na nag-positibo sa Covid-19.

Dadalhin sa Philippine Genome Center ang samples ng Covid-positive travelers upang matukoy kung saang coronavirus variant sila nahawa.

Samantla, ayon pa kay Dr. Solante, hindi magiging rason ng pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa ang mga pasaherong galing China na nagpositibo sa Covid-19.

“Expected talaga ‘yan, expected ‘yan but I don’t expect na sa mga positive na ‘to will be the main reason kung tataas ang mga kaso,” pahayag ni Dr. Rontgene Solante, Infectious Diseases Expert.

Sa kasalukuyan, tanging ang mga biyaherong ‘di pa bakunado o partially vaccinated ang required na mag-presenta ng negative rapid antigen test result mula sa isang laboratory pagdating sa bansa.

Bernadette Tinoy | UNTV News

Tags: ,