COVID-19, nananatiling Public Health Emergency of Int’l Concern – WHO

by Radyo La Verdad | October 21, 2022 (Friday) | 13221

METRO MANILA – Hindi pa rin ligtas sa banta ng COVID-19 ang mga bansa ayon World Health Organization (WHO).

Ito ay kahit lubhang mababa na ang bilang mga kaso sa nakalipas na mahigit 2 taon.

Kaya naman sangayon si WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus na ituring pa rin itong Public Health Emergency of International Concern.

Paliwanan naman ni Professor Didier Houssin, Chairperson ng International Health Regulations Emergency Committee ng WHO, posibleng mabalewala ang mga  pinaghirapang hakbang ng lahat kung magiging kumpyansa ang publiko.

Lalo pa ngayong may mga bagong variants ng COVID-19 na lumalabas at patuloy na pagkalat ng sakit.

Kaya naman inirerekoemnda ng WHO na patuloy na paigtingin ang pagbabantay sa mga kaso ng COVID-19.

Dapat pa ring palawigin ang pagkakaroon ng mga testing, paggagamot at pagbabakuna.

Partikular na dito sa mga sektor na itinuturing na vulnerable o madaling mahawa sa sakit.

Para naman kay Doctor Ted Herbosa, professor at chairman ng emergency medicine sa UP-PGH,mahalaga pa rin ang pag-obserba sa mga health protocol lalo’t aktibo pang nagmu-mutate ang virus.

Ang pagsusuot pa rin ng face mask kahit sa outdoor settings ay makatutulong para pigilan ang pagkalat ng virus lalo na ngayong sunod-sunod na ang mga public holiday at inaasahan ang pagdagsa ng mga tao.

(Asher Cadapan Jr. | UNTV News)

Tags: ,