COVID-19 measures ng Pilipinas, sapat para maagapan ang pagpasok ng Delta Plus

by Radyo La Verdad | November 9, 2021 (Tuesday) | 2077

METRO MANILA – Hindi natutukoy ng antibodies ang bagong mutations ng Delta plus variant kaya hindi ito makadepensa laban sa virus.

Kahit bakunado o dati nang nagkaroon ng COVID-19 infection ay maaari pa ring mahawa ng Delta plus variant.

Kaya naman dapat mas mapalawak pa ang pag- aaral ng mga eksperto upang makahanap ng paraan na mapuksa ito.

“Itong kaniyang sub- lineages is more than 90 already no it’s ay.1 to .95 so its 95 ganoon na po kadami ang sub lineages ng Delta variant because of its mutations” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire .

Ayon naman sa Department of Health (DOH), patuloy silang naka-antabay sa ibababang impormasyon at protocols ng World Health Organization.

“This ay.4.2 is still being studied further experts across the globe. It has been classified by the WHO as a variant under monitoring, sinasabi nila na this sub- variant, lineage of Delta itong ay.4.2 ay mas transmissible by 10-15% than the original na Delta variant” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire .

Tiniyak din naman ng DOH na nananatiling mahigpit  ang pamahalaan sa mga umiiral na COVID-19 response.

Sa ngayon ay wala pang kaso ng Delta plus sa Pilipinas ayon sa DOH.

Samanta, ayon sa DOH ang dating Kappa Variant o B.1.617.1 ay isa lang variant under monitoring mula sa dati nitong classification na variant of interest.

Naitala naman sa bansa ang kauna- unahang B.1.617.1 COVID-19 variant local case sa Pampanga.

Patuloy itong iniimbestigagan ng mga health expert.

“It was declassified by the WHO the first case of the b 1.617.1 variant is a local case from Florida Blanca Pampanga. The case is a 32 year old male that has mild disease severity and is now tagged as recovered. During the time of collection that was June 2  of 2021, the b.1.61 7.1 variant was still designated as a variant of interest.” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.

Batay din sa ulat ng DOH, may naitala pang 651 na Delta COVID-19 cases sa bansa mula sa samples noong mga nakaraang buwan.

Nananatili namang Common Variant ang Delta sa bansa na sanhi ng hawaan at paglobo ng kaso  nitong mga nakalipas na buwan.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,