COVID-19, kumakalat pa rin — WHO

by Radyo La Verdad | January 12, 2024 (Friday) | 40375

METRO MANILA – Nananatiling kumakalat at dahilan ng pagkamatay ng ilang indibidwal ang COVID-19.

Ayon sa World Health Organization (WHO), noong Disyembre ay nakapagtala ito ng mataas na bilang ng hawaan dahil sa mga pagtitipon noong holiday season, at sa JN.1 variant.

Sa panahong ito, aabot sa 10,000 ang bilang ng mga nasawi at tumaas din ang hospitalization at ICU admissions kumpara noong Nobyembre.

Tiniyak naman ng Department of Health (DOH) na patuloy silang magbabantay at nakaalerto sa banta ng COVID-19.

Ayon sa DOH, sa kasalukuyan ay mababa lamang ang mga kaso ng hawaan at namamatay sa bansa dahil sa virus.

Tags: ,