METRO MANILA – Umabot na sa mahigit 85,486 ang COVID-19 cases sa bansa, 2 araw bago ang katapusan ng Hulyo.
Nahigitan pa nito ang 85,000 na projection ng UP Octa Research sa katapusan ng buwan.
56, 528 na ang active cases ngayon sa bansa 1, 874 ang nadagdag na bagong kaso kahapon (July 29).
Habang umabot na sa 26, 996 ang mga COVID-19 survivors sa Pilipinas, ang death toll naman ay nasa 1, 962 na.
“Ang edad ng mga namatay ay nasa 7 days old hanggang 8 years old . Ang 9 sa deaths na ito, o 56%, ay nasa 60 years old and above.” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.
At patuloy po naming pinapalalahan ang lahat na mag-ingat. Hindi po biro ang sakit na ito, hindi po kumikilala ng edad o katayuan sa buhay. Kaya lahat po tayo ay dapat mag-iingat. Nasa kamay po natin ang kaligtasan natin.
Samantala, sa pagdami ng kaso sa Pilipinas ay nasa danger zone na rin ang lima sa 14 na mega- Temporary Treatment and Monitoring Facilities o TTMF sa Luzon.
Ibig sabihin 70 hanggang 100% na ang utilization rate sa naturang facilities para sa COVID-19 patients.
Ito ay ang: Ultra Stadium sa Pasig City, Quezon Institute sa Quezon City
Rizal Memorial Coliseum sa Manila, Philippine Arena sa Bulacan at ASEAN Convention Center sa Pampanga.
Sa NCR naman, 82.2% na ang occupancy rate ng COVID-19 dedicated beds, ayon sa DOH malapit na itong mapuno, nasa warning zone naman ang lahat ng TTMF sa rehiyon
Ibig sabihin gamit na ang 30 hanggang 70% ang okupado sa COVID-19 beds sa TTMFS
“As of 28 July, there are still unoccupied beds in hospitals. The total bed occupancy is at 50% , accounting for both COVID-19 and non-COVID-19 beds. It is important to note that given the supply of hospital beds, mild and asymptomatic patients should be treated in Temporary Treatment and Monitoring Facilities (TTMFS) and not in hospitals to ensure adequacy of hospital beds for patients.
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: 85K, Covid-19 Cases